Pinadala ng kaibigan ko tong
link na to. Pictures were taken by Daniel Cercado. Na-miss ko tuloy ang U.P. Incidentally, been keeping in touch lately with a lot of my UP friends. Nakakatuwa naman tignan kung saan saan na kami napunta, ano nang nangyari sa mga buhay-buhay, at paano na kami nag-bago...o di nag-bago. Ang tagal na rin pala.

Sa susunod na pag-uwi ko, babalik talaga ako sa UP. If only to get me one [or a couple] of those super cool, super artistic, super funky UP shirts. Gusto ko yung isa, siempre, may Oble. Tapos siguro yung isa, may Ikot. hahahaha. Saka kakain ako sa Beach House, Tea Room, at Chocolate Kiss...and not to miss the isaw in Kalayaan, fishball sa Eng'g, at dirty ice cream sa CHE. hahahaha. Isama narin natin ang nilalako na vegetable lumpia with the spicy vinegar, banana-q, at turon. Hay, kelangan ko yata ng isang linggo! hahahahaha. I wish....kelan ko kaya magagawa, ano?
Note: Pic taken from Tribute to the UP Oblation
No comments:
Post a Comment