Wednesday, August 13, 2008

Bakit nga ba?

Bakit nga ba may mga tao na likas talaga sa kanila ang gumawa ng eksena? Likas talaga sa kanila ang mang-ungkat ng mga bagay-bagay na dapat ay matagal nang tinantanan—lalo pa’t wala namang karapatang mag-inarte.

Bakit nga ba kahit na may ilang taon nang nakalipas eh ibinabalik-balik pa rin ang mga dating napagkasunduan na at ilang beses na ring naipaliwanag? Makulit lang ba talaga sya o nananadya lang?

Wala na nga doon ang mga taong kasangkot, di parin talaga kayang patahimikin ang isyu. Kelangan bang mangdamay pa ng iba dahil lamang hindi nasusunod ang kagustuhan? Palibhasa kasi kakaunti lamang ang nagsasabi sa kanya ng, “Eh hindi nga pwede, eh!”

Hindi ako madaling magalit. Kahit papaano, mahaba-haba rin ang pasensya ko. Pero bakit nga ba may mga taong sadyang iniisip mo pa lang, naaalibadbaran ka na?

Siguro ganun lang talaga para matuto tayong magpasalamat sa mas nakararaming mabuting tao sa paligid natin. Buti na lang!


PS. Effort pala talaga magsulat ng purong Filipino!

No comments: