Monday, November 24, 2008

Misery loves company

Kausap ko yung isang kaibigan ko kanina. Wala lang, kelangan lang daw nya mag-vent. Sige sure, yan naman ang isang role ko sa buhay. Dakilang shock absorber (at minsan emotional punching bag pang release ng angst…hehe).

So pagkatapos ng kanyang venting session, naisip ko lang. Bakit ba talaga may mga tao na sole purpose in life nila eh ang manggulo ng buhay ng ibang tao? Parang ang satisfaction nila eh yung nakakacreate sila ng gulo. The bigger the away, the better! Ganun ba sila ka-sad sa life nila? Kaya siguro sila nanggugulo para hindi lang sila ang lonely. Misery loves company nga naman.

Sabi ko na lang, iwasan ang gulo. Kahit pilit inihaharap sa yo. Magsasawa rin yun, lalo na kung di mo pinapatulan…kasi sya lang naman nagmumukhang tanga. After a while, move on to the next target na lang kasi walang satisfaction sa yo. Di ka kumakagat eh.

At saka, bahala na lang si Lord sa kanya. Basta *ikaw*, cool ka lang. Malalaman naman ng mga totoo mong kaibigan na wala kang kasalanan. Sana lang maintindihan nila na may mga tao lang talaga na galit sa mundo at gustong mangdamay. Hay…

1 comment:

vaniety said...

hay nako, i can soooo relate to that! nakakairita talaga mga taong ganyan. hindi ko rin ma-gets ano'ng nakukuha nila sa ganun. sila lang naman din ang nasisira sa panggugulo nila. hay, ewan! (hehe..sorry, nag-rant din. :p)